feature.JPG (10706 bytes)

Nagpapatalbugan ba?
021499, written by Jun Estado [Superteen]
    

   Paglilinaw muna ng mga gals sa isyung nasagap namin tungkol sa kanila. Medyo disappointed umano ang mga taga-Viva, especially ang big bosses nila dahil sa attitude ng mga bagets na ito.

Everybody knows na sabay-sabay silang ipinu-push ng kanilang home studio para magkaroon agad ng kapalit ang nawa-lang loveteam nina Angelu de Leon at Bobby Andrews, kaya lalo pang naging kumplikado ang situwasyon. Bawat isa sa kanila ay gustong maunang sumikat. Ayaw raw magpatalo ng isa.

In other words, nagkakaroon na raw ng inggitan at insecurity sa bawat loveteam ngayon. Dahil diyan, namumuroblema nayon ang Viva. Hindi nila maintindihan ang situwasyon. At hindi nila malaman kung paano nila gagawan ng paraan para maging pantay ang exposure at pag-angat ng mga loveteam nila.

Pakinggan natin ang kanilang kasagutan sa isyung ito..

KIM DELOS SANTOS:
"Para sa akin, kuntento na ako sa ginagawa ko. Dahil nakikita ko naman pinu-push kami ng Viva, at pare-pareho naman ang exposures namin. Wala akong dapat ikabahala roon.

"So, kung ano 'yung opinyon nila (detractors) sa amin, normal lang na manyayari 'yan. Basta ako, kuntento na ako sa ginagawa ko at happy rin ako sa ngayon."

SUNSHINE DIZON:
"Kung ano ang iniisip nila for us, I can't stop them. Dahil natural lang na iisiipin nila 'yun. At saka, artista kami, so normal na magkaroon ng ibang kulay regarding sa pag-pu-push ng Viva. For as long as sabay kaming bibigyan ng im-portansya sa mga career namin, okey na ako roon.

"All I have to do now is improve my craft. Para hindi nila masabing pinapabayaan ko 'yung ginagawa ko, 'di ba?"

ANTOINETTE TAUS:
"Sa tingin ko naman, pareho lang 'yung atensiyong ibinibigay ng Viva sa aming lahat. Dahil kung nagkaroon ng favoritism sa amin, sana'y iisang loveteam lang yung binibigyan ng kahalagahan 'di ba?

"Pantay lang talaga. There's no truth to it. Siguro, magtatrabaho lang kaming mabuti para mapansin at makita ng mga fans and followers naming maganda 'yung ginagawa namin sa aming projects."