feature.JPG (10706 bytes)

May mga bagong katapat
031499, written by Jeffrey Gamil [Superteen]

* * *

This early, masasabing tagumpay na ang Viva Productions sa pag-bi-build up ng kanilang mga teenstar na sina Antoinette Taus,  Kim delos Santos at Sunshine Dizon. Household names na rin naman ang mga ito at malaking tulong ang nagawa ng
kinabibilangan nilang TV shows na mostly ay produced ng Viva TV at GMA-7.

And of course, dahil na rin 'yon sa kani-kanilang talents. Kahit gaano siyempre sila i-build up, kung wala naman talaa silang
ibubugaa, maauwin rin sa wala ang effort ng kanilang mother stuido. Pero hindi nga gano'n ang kaso ng mga young star na
ito ng Viva.

Unahin natin si Antoinette Taus.
Antoinette or Toni is seventeen. Kasalukuyan niyang pinagsasabay ang kanyang studies at acting and singing career. Ang
kahangahanga sa batang ito, she can still maintain her standing sa school. Sabagay, hindi naman ito kataka-taka dahil
very intelligent talaga itong kausap.

Sa ngayon, ipina-partner siya ng Viva sa guwapong teen actor na si Dingdong Dantes. Sila ang magka-love interest sa youth
oriented TV show na TGIS at Anna Karenina. Napapanood din ang magka-loveteam sa variety show na SOP (Sobrang Okey,
Pare!) every Sunday on Channel 7.

Maganda ang reaction ni Toni ngayong may niluluto ring magka-loveteam na pantapat sa Viva Teen Barkada.
"Matagal na naman silang may loveteams, dih eh, kaya hindi na naman bago 'yon," nasabi nito. "Kaya nga lang, may mga bago
silang ibi-build-up kaya nasabing pantapat sa amin.

"Pero ang lagi ko ngang sinasabi, tao rin ang magdya-judge, eh, kung magugustuhan ka nila bilang artista. Ibig sabihin nasa
tao pa rin ang desisyon kung sino ang sisikat sa mga bagong artista ngayon."

Next is Kim delos Santos.
Like Toni, mag-ei-eighteen na rin si Kim. Pero she describes herself as more emotionally mature than youngsters her age.
Lumaki raw kasi siyang hindi nakasandal sa kanyang mga magulang dahil bata pa siya nang magdesisyong maghiwalay ang
mga ito.

Kung sa ibang bata raw ay traumatic ang magiging epekto no'n, not to her na titignan 'yon in the positive light.
"It helped me na mas maging matatag," sabi ni Kim. "Na magdesisyon nang tama para sa sarili ko.

Gusto nga raw niyang maging ehemplo sa mga batang hindi gano'n ka harmonious ang relationship ng mga magulang.
"Not because hindi lang magkasundo ang mga magulang mo, kailangan mo nang sirain ang buhay mo. May sarili rin
snaman silang mga desisyon at meron ka rin naman."

Sa ngayon, very happy si Kim sa kanyang screen partner na si Dino Guevarra na puspusan ngayon ang panliligaw sa kanya,
not only on reel but in real life as well. Hindi nga nila itinatago ang kanilang sweetness dahil aminado naman silang may
nararamdaman na sila para sa isa't isa.

But Kim opts not to give her nod yet to Dino. Bata pa raw sila pareho kaya hindi pa dapat pumasok sa isang seryosong
commitment. Besides, ang dami pa raw niyang dapat gawin sa buhay bago seryosohin ang matters of the heart. At ano
pa ba naman ang hahanapp nila, eh, lagi naman silang magkasama sa set ng TGIS, Anna Karenina at sa bagong TV series
na TEXT.

Walang kaso kay Kim ngayong may mga bagong loveteam ang ABS-CBN na pantapat sa knaila.

"Okey lang, kasi healthy competition naman 'yon eh," nasabi nito.  "Noong bago ang TGIS, nagkaroon sila ng Gimik, pero
hindi naman nawala a ere ang TG. Business 'to kaya natural ang may competition. Pero ang pagsikat, talagang
pana-panahon lang 'yan."

Sa tatlong Viva loveteams, si Sunshine Dizon ang pinakabata. She is now 15 turning on 16 pero hindi na pam-bagets ang
hilig nito. Kung sa ibang mga batang kaedad niya ay nababaliw pa sa play station, not her na mas nag-eenjoy sa pagbabasa
ng libro.

Type ni Shine basahin ang mga suspense-thriller books nina Ann Rice at Stephen King. She also reads inspirational books
na ayon sa kanya ay ang dami-rami talaga niyang napupulot na aral.

Currently, she is being built-up by Viva Prods. with Polo Ravales as her loveteam. Klik na klik nga ang samahan ng dalawa
dahil pati raw mga mom nila'y magkasundung-sundo.

Sunshine doesn't feel threathened nayong may mga bagong loveteam na binuo ang ABS-CBN para ipantapat daw sa kanila.
"Sa akin, okey lang yon dahil wala namang batas na nagsasabing Viva lang ang dapat maglabas ng loveteams," matalinong
banggit nito.

"Walang adventure at kulang ang buhay kung walang competition. Basta friendly competition lang. Competition is good
'cause it helps you excel, 'di ba?"�

* * *

1999 | [email protected]