feature.JPG (10706 bytes)

Hawak-kamay na makikipaglaban!
032299, written by Andie B. Desuyo [Kislap]

* * *

Finally, nagbunga na rin ang pagpupunyangi ng Viva Films na mapasikat at maiangat ang tinaguriang Viva Teen Barkada na
binubuo nina Antoinette Taus-Dingdong Dantes at Kim delos Santos-Dino Guevarra. Sa kasalukuyan, ang dalawang tambalang
ito ang pilit na umaagaw sa kasikatang tinatamasa ng ibang loveteams na namamayagpag sa ngayon.

Sinasabing sila ngayon ang threat kina Juday-Wowie. Anytime, patataubin ng dalawang tambalan ang nabanggit na loveteam
lalo't na't Viva Films ang sumusuporta kina Toni-Dingdong, Kim-Dino.

Sa taglay nilang karisma, hindi rin nagkakalayong sagaran silang kakagatin ng fans. Katunayan, sangkaterbong fans
club na nabuo ng Viva Teen Barkada na handang ipaglaban ang kani-kanilang idolo.

Bilang patunay na puwede nang pakawalan ang bumubuo sa Viva Teen Barkada, sinugalan ng Viva Films via the movie
Honey, My Love, So Sweet kung saan, bida sa nabanggit na pelikula sina Toni-Dingdong at Kim-Dino. Ito nga raw ang
sukatan kung handa nang makipagpukpukan sa ere and dalawang tambalan ng Viva.

Naging very supportive ang Viva Teen Barkada habang ginagawa nila ang kanilang pelikula dahil ito ang magsisilbing acid
test kung sila na nga ang piwedeng ipuwesto sa kinauupuan nina Juday at Wowie.

Pero nagkaisa ang lahat na magiging box-office hit ang movie dahil sa taglay nilang karisma sa lahat ng tao. Hakot na
hakot kasi nina Toni, Dingdong, Kim at Dino ang mga tao in all walks of life dahil packaged as "sosi" sina Toni-Dingdong at
masa naman ang packaging kina Kim at Dino.

Maliban sa pelikulang Honey.. very visible din sa telebisyon ang dalawang nabanggit na tambalan na nakakatulong para
patuloy nilang magayuma ang lahat na nanonood sa telebisyon ara-araw. Aside from Anna Karenina, na bida sina
Toni-Dingdong at Kim-Dino, madalas din silang i-feature sa ilang telesine at TV shows dahil naniniwala ang lahat na
kumukuha sa kanilang serbisyong lagi itong patok sa manonood.

Isa-isahin nating ang pambatong qualities ng Viva Teen Barkada na lingif sa kaalaman ng kanilang tagahanga.

ANTOINETTE TAUS
Maliit pa, artista na si Toni kaya hindi nakakapagtakang hasang-hasa na siya sa pag-arte sa harap ng kamera.
Sa tagal niya sa pag-aartista, nakasama niya ang ilan sa mga magagaling nating artista sa pinilakang-tabing na
nakatulong sa kanya nang malaki para mapadali ang pag-establish ng kanyang pangalan. Noon pa man
hanggang sa kasalukyan, masasabi nating pinanday na ng panahon si Toni at handa na siya sa anumang haharaping
challenges sa kanyang pag-aartista. Kaya nga hindi nagda-dalawang isip ang Viva na siya ang bigyang pansin
at iangat dahil nakikita nilang mas may tsansa silang maka-hit kay Toni. Ngayon ngang ipanareha siya kay Dingdong,
mas lalong lumaki ang pangalang Toni at marami ang nagsasabing sisikat siyang tuluyan. Maliban sa pag-arte,
singer din si Toni. Ang album niya ngang ini-release ng Viva ay humakot ng kadatungang kaya positive ang pananaw ng
Viva Records na muling igawa ng panibagong album ang young star.

KIM DELOS SANTOS
Si Kim ang isa sa pinakalovable ang face sa screen at sa personal. Ang kanyang sweet at angelic face ang isa sa factors
kung bakit hindi siya mahirap mahalin. Ito ang qualities na wala sa ibang youngstar. Kung tutuusin, hindi puwedeng
taasan ng kilay ng iba si Kim dahil meron siyang K to make it big in showbiz. Hindi man siya naipareha kay Dino,
alam niyang kaya niyang dalhin ang sarili at maniobrahin ang kanyang showbiz career. Aminado si Kim na simulang
itambal siya kay Dino, biglang umalagwa ang kanyang carerr. Maliban sa taglay na talento ni Kim sa pag-arte, meron din
siyang boses kaya hindi siya talaga paiiwan sa mga youngstar na todo ang pag-sipa ng career sa kasalukuyan.�

* * *

1999 | [email protected]