feature.JPG (10706 bytes)

Pilit na pinag-aaway at ginagawan ng intriga
041299, written byJ.F.S. [Liwayway]

* * *


Full blast na ang ang publicity ng Viva Teen Barkada na kinabibilangan nina Antoinette Taus, Sunshine Dizon

at Kim delos Santos kasama ang kani-kanilang ka-loveteam. Tiyak na may mauuna, may papangalawa at may
mangungulelat.

Ang bawat nilalang sa mundo ay magkakaiba. Ang bawat pagkakaiba ay nagbibigay tingkad at kulay sa ating
mundo. Kung bakit hanggang ngayon ang daigdig ng pelikula ay patuloy na nagiging makulay marahil ay
dahil ito sa iba't ibang katauhang meron ang industriya.

Tiyak na uulanin sila ng mga intriga, pag-aawayin na dapt nilang paghandaan, dahil kakambal iyon ng pagsikat
ng isang bituin sa pinilakang tabing.

Paano nga ba ito pinaghahandaan nina Antoinette, Sunshine at Kim? "Nag-uusap-usap kami, if we hear some-
thing bad or below the belt, kakausapin namin ang isa't isa para hindi na lumaki pa ang isyu. Hangga't maari
ay iiwasan naming magkagulo sa barkada at magkaroon ng tampuhan. Pangit yung maghihilahan kami pababa.
Kailangan magtulungan ang isa't isa. Kung sino man ang unang umangat sa amin, okey lang 'yun, magiging
masaya kami. Palaging nandoon ang suporta namin," sabi ni Kim delos Santos.

"Sinasabihan na kami nung una pa lang na tiyak na gagawan kami ng intriga at pagtapat-tapatin kami kaya
alam namin 'yon. Ang maganda naming gawin ay ipasok sa isang tainga at ilabas sa kabila. Kapag dumating
sa point na masyado ng personal, we have to talk to the person involve(d), para maayos agad ang problema,"
tugon naman ni Sunshine Dizon.

"Actually, pinag-away-away na kami before kaya hindi na bago kung may gagawa ulit ng ganu'n. Pero sa
isang friendship kapag napagdaan n'yo  na ang parteng yon ay lalo kayong magiging solid. Sa tingin ko ay
mas kaya na namin ang mga intrigang darating. Ibang klase na ang bonding namin ngayon," paniwala naman
ni Antoinette Taus.

Sabi nga nila, tulungan na lang natin sina Antoinette, Sunshine at Kim na magdasal na huwag sana nilang
danasin ang pinagdaanan ng ibang loveteams na nauwi rin sa wala dahil mas inuna nila ang pag-ibig kesa
sa kanilang career.�

* * *