* * *
Sa tatlong young
loveteams ng Viva Films -- Antoinette Taus at Dingdong Dantes, Kim delos Santos-Dino
Guevarra at Sunshine Dizon-Polo Ravales, 'yung kina Kim at Dino ang pinaka-exciting
abangan kung real-life romance ang pag-uusapan.
Aminado kasi ang tandem na
totoong may ligawang nangyayari sa kanila, samantalang yung natititirang
dalawang loveteams ay parehong bawal magkaroon ng boyfriend ang babaeng involved.
Sabi ni Dino kay Kim..
DINO: "Kung ako lang
ang masusunod, gusto ko na talagang magkaroon ng karapatan sa yo. Pero, alam kong
hindi pa puwede. And I respect her decision nang sinabi niyang hindi pa pwede. And I
understand that.
IKung kailan niya akong gusto sagutin, nakahanda akong maghintay. Dati nangungulit ako sa
kanya pero
ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ayaw pa niya ng commitment. Marami pa kasi siyang
plano sa
buhay. Which is very good dahil alam niyang hindi permanente ang takbo ng buhay sa
showbiz. Kumbaga,
she's grabbing every opportunity.
KIM: "Inaamin ko naman
talaga na hindi ko kailangang itangging nanliligaw siya sa akin. Alam nyo naman 'yon
diba? Never kong gagawin 'yon. Walang dahilan para itanggi ko ang panliligaw niya sa akin.
Wala naman
sigurong masama. Hindi pa naman commited ang bawat isa sa amin. At marami pa akong bagay
na dapat
i-prioritize, eh, like school, my career, and of course, my Dad, hindi pa niya gusto na
magkaboyfriend ako.
Pero maganda na rin 'yung ganito, dahil alam kong hindi sya mawawala. Kasi, kung
mamadaliin natin, may
tendency na mawala siya, 'di ba?
DINO: "I'm willing to
wait naman, eh...
KIM: "I'm glad naman na
nire-respeto mo ang desisyon ko. At nandiyan ka lang sa tabi ko."
DINO: "Wala namang
problema roon. Because I love her. I know what love is. I know how I feel. I know
na it's not something na pinupulot lang. I know na love 'tong nararamdaman ko sa yo, dahil
ewan ko, Hindi
ko talaga ma-explain, kaya love talaga to. I know I love her!
KIM: "Masarap 'yung
feeling na alam kong may nagmamahal sa akin. Na alam mong meron kang tatakbuhan
kung nasaan ka. Nakakakilig 'yung mga sinasabi niya. 'Yung bang, parang gusto kong
sumigaw, pero, hindi
ko magawa, kasi katabi ko siya. Hindi naman puwedeng masyado kong ipahalata sa kanya, alam
mo nman
ang mga lalaki, di ba? Pero, gusto kong malaman mo, na super proud ako sa iyo, kasi he
really knows how
to keep a secret. Ang laki ng respeto ko sa 'yo.
DINO: "As a friend? Ano
nga ba? Mabait siya, maganda at marunong makisami kaya maraming kaibigan 'yan.
As a friend, wala ka nang hihilingin pa. Kapag kaibigan ka niya, siguradong ipaglalaban ka
niya. Ganyan siya
magmahal ng kaibigan. Sayang nga dahil hanggang friends lang naman muna talaga kami.
Pasaan ba't
darating din kami d'yan.
KIM: "Naku, tipong wala
ka nang mahihiling pa. Napakabait, maalahanin at very gentleman. Hindi siya yung
tipo ng guy na mag-te-take advantage sa situation, alam niya yon. He respects me more than
anybody else.
Nakikinig din 'yan sa mga pakiusap ko. Nangungulit naman but often time, nakikikinig sa
sinasabi ko. And
that's something already.
Sa tingin namin ay
seryosong-seryoso na si Dino Guevarra kay Kim delos Santos. In fact, may nametion
itong si Kim na babaeng ihahatid niya sa altar.
* * * |