feature.JPG (10706 bytes)

Ampon lang si Sunshine Dizon?
052099, written by Jeffrey Gamil [Movie Flash]

* * *

Pinagtawanan lang ni Sunshine Dizon ang tsismis na siya'y isang ampon lang ng nanay niyang si Mrs. Dorothy Laforteza.
Nagsimula ang tsika sa isang blind item na obvious naman na ang young star ang tinutukoy. Kahit nga nang mabasa ng
mag-ina ang nasabing item, mismong ang mga ito ay nakaramdam na sila ang mga bida r'on.

"Natatawa ako," reaksiyon ni Sunshine nang maitanong namin dito ang tungkol sa isyu habang nasa location ng
taping ng Anna Karenina sa Subic. "Ano'ng pakialam nila? Nakakaawa sila, wala silang maimbento!"
"Sa ako; ito ang sinabi ko sa mommy ko, okey lang sa akin ang mag-artista, pero ang personal life ko, 'wag na nilang
pakialaman 'yon. Kumbaga, nagpunta ako rito (sa showbiz) para mag-artista, hindi para i-share sa kanila ang
talambuhay ko. Wala naman akong balak gumawa ng autobiography ko.

"Basta ito lang ang sasabihin ko sa kanila, wala akong pakialam kung anuman ang gusto nilang sabihin dahil hindi
naman totoo. Saka kawawa sila, nakakatawa sila. Period!"

Ipinagkibi-balikat daw niya ang lumabas na isyu at ni hindi ito sineryoso kaya ni katititing ay hindi siya naapektuhan,
much more nasaktan.

"Ba't naman ako masasaktan! Happy new year!" tili nitong tawa nang tawa. "Ni hindi ako nagtanong sa mommy ko.
Kasi ganyan naman sa showbiz, may umaangkin sa 'yo. Mayro'ng hindi ka raw anak ng nanay mo.

"Basta sa akin na lang, ganito. Granting na kunyari hindi ko nanay talaga ang nanay ko, pasalamat pa nga ako,
naging nanay ko siya. Kaysa naman kung sinu-sino lang d'yan. At least si Dorothy Laforteza ang naging nanay ko!"�

* * *

1999 | [email protected]