feature.JPG (10706 bytes)

Kim is destined to be a big star
060399, Teen Informer by Lito Ma�ago [Teen Movie Magazine]

* * *

Full blast na ang shooting ni Kim de los Santos ng IKAW LAMANG na launching movie niya sa
ilalim ng Via Films, of course, leading man dito ni Kim ang napapabalitang boyfriend niya on and off
screen na si Dino Guevarra. Kasama rin sa pelikula and comebacking actree on the big screen na si
Dina Bonnevie, mula sa direksiyon ni Mac Alejandre.


Natutuwa ang batang aktres sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Viva. Aniya, wala na siyang
kim10.JPG (31019 bytes)mahihiling pa.
Nagpapasalamat din siya sa lahat ng taong patuloy na sumusuporta sa kanyang career bilang aktres.
Itataon ang showing ng IKAW LAMANG sa buwan ng Hulyo kung
saan iseselebreyt ni Kim ang kanyang ika-18 taon sa mundong
kanyang ginagalawan. Isang bonggang debut party ang handog ng daddy ni Kim at ng Viva films. This early, wala pa kaming
ideya kung saang hotel gaganapin ang party ng aktres. (But as
of this writing nalaman ko na kung saan iseselebreyt ni Kim ang
kanyang debut, sa ballroom ng EDSA-SHANGRILA PLAZA on the
23rd of July, Friday).Sa ginagawang pag-alaga ng Viva kay Kim, naniniwala na nga kaming she's the next important star ng Viva. Maliban s kanyang launching movie, kasama pa rin siya sa cast
ng MAY BUKAS PA nina Angelu de Leon, Cherrie Gil at Dina Bonnevie. Looks like, Kim is really destined to be a big star. Abangan na lang ang kanyang pamamayagpag.

* * *

1999 | [email protected]