feature.JPG (10706 bytes)

I'm so excited about the idea of a party
061099 written by Lito Ma�ago [Teen Movie Magazine]

* * *

In less than two months, Kim delos Santos will be celebrating her
18th birthday.Isang bonggang debut party ang handog ng daddy ni Kim at ng Viva
Films. But as of this writing ay wala pa kaming ideya kung saang 5-star hotel gagawin
ang kanyang party.

"I'm so excited about the idea of having a party," sabi niya sa amin. "Hindi
ko pa alam kung ano ang eksaktong plano ng daddy ko at ng Viva Films.  Pero this
early, pinapasalamatan ko na sila. Kung ako lang, I want to celebrate
my 18th birthday as simple as I can. Plano ko lang sana i-treat ang mga kaibigan ko.
"But I can't say no to Viva. Ayoko ring sumama ang loob ng daddy ko sa akin.
Bahala na alng kung ano ang mangyayari but honestly, I'm so excited
about it," pagtatapat pa ng aktres.


May rason kung bakit kakaiba ang mga ngiti ngayon ng aktres.
Maliban sa paghahanda niya sa kanayng party, halos araw-araw na rin siyang

nagsu-shooting ng Ikaw Lamang na magsisilbing launching movie niya sa Viva.
Itataon ang showing ng pelikula sa kanyang kaarawan sa darating ng July 27.

Kasama rin si Kim, along with her favorite leading man and rumored
boyfriend na si Dino Guevarra, sa T.V. soap na May Bukas Pa na pagbibidahan ni
Angelu de Leon.

What else can she ask for? Well. aniya, marami pa siyang dapat
patunayan sa kanyang sarili, pamilya at mga fans. Ayaw niya munang isipin na siya
na ang susunod na ibi-build up ng Viva. Kung sabagay, she's coupled with talents,
maliban sa kanyang magandang mukha, kaya hindi nakapagtatakang alagaan siya

nang husto ng kanyang mother studio. At naniniwala kaming Kim will
definitely go places.

* * *