Libreng-libre raw sila dahil
nasa Amerika pa hanggang ngayon ang Daddy ni Toni
061799 written by Lito Ma�ago [Teen Movie Magazine]
* * *
Libreng-libre raw sila dahil nasa Amerika pa hanggang ngayon ang Daddy ni TONI: "Kahit wala ang Daddy ni ANTOINETTE, may limitasyon pa rin naman kami. At saka iniiwasan naming lumabas na kaming dalawa lang." -- Dingdong Dantes Natutuwa kami kapag nakikita naming nagkukulitan sina DINGDONG DANTES at ANTOINETTE TAUS. Kyut na kyut kami sa ginagawa ng dalawa na animoy mauuwi sa pikunan. Pero hindi nga ito nauuwi sa ganitong sitwasyon dahil kumbaga, alam na nila ang kiliti ng bawat isa sa kanila. Minsang napadpad kami sa taping ng Anna Karenina, pinansin namin ang pangangatawan ni Antoinette. Sabi namin, payat ngayon si Antoinette. "Okey lang kahit mataba pa siya. Pero hindi naman talaga obvious na mataba si Antoinette. Mataba lang nang konti ang kanyang mukha pero yung braso, hindi naman." "Kasi nasa lahi naman niya ang hindi tabain. Unlike sa akin, tabain ako kasi nasa genes ko," sabi niya. Madalas din palang pinagsasabihan ni Dingdong si Antoinette na magbawas nang timbang. "Parati ko siyang pinagsasabihan. Madalas ko siyang pinapansin. Siyempre, concerned din ako sa kanyang pangangatawan in the same manner na ganun din siya sa akin." "Dapat ganun naman kapag magkaibigan, di ba?" balik-tanong ng binata sa amin. Nasa Amerika pa hanggang ngayon ang daddy ni Antoinette. Pinansin namin na tila nagi-enjoy ng kanilang freedom sina Dingdong at Antoinette? "Not really!" sabi ni Dingdong. "The truth is wala namang pagbabago. Its still the same. Kahit wala ang daddy ni Antoinette, may limitasyon pa rin naman kami. Hindi pa naman kami lumalagpas doon sa limitasyon din namin. "Actually, sa set lang naman kami nagkikita ni Antoinette. Hindi naman kami lumalabas na kami lang. If we do, tinitiyak naming marami kami sa grupo. Na may kasama kami sa lakad namin." "Its really hard kasi nakakatakot yung sasabihin ng mga tao kapag nakita kami na dalawa lang kami. We want to avoid that. Natatakot kami sa sasabihin ng tao. Kaya iwas din naman kami," paliwanag ni Dingdong. Kung nami-miss ni Antoinette ang kanyang daddy (TOM TAUS, SR.), inamin din ni Dingdong sa amin na ganun ang feeling niya. Pero sinundan namin ito nang mariing bakit? "Wala lang kasi, siyempre, nasanay na rin akong nakikita ko siya sa set. All the time kasi kasa-kasama siya ni Antoinette na dumarating sa location. Nakaka-miss din yon, di ba?" "Kaya ngayong wala ang daddy ni Antoinette, ako ang tumatayong daddy niya. Hindi, loko lang!" pagbibiro ni Dingdong sabay kurot ni Antoinette sa kanyang fave leading man. Madalas din daw magbigay ng paalala si Dingdong kay Antoinette lalo na sa pananamit. "Mga maliliit lang na bagay na alam kong makakatulong din sa kanya. Like, kailangan niyang matulog ng maaga para magkaroon ng lakas para sa susunod na taping. Mga ganun lang naman." "Of course, pinapaalalahanan ko rin siya tungkol sa kanyang pananamit. Kunwari, medyo sexy yung dating ng damit niya. Sinasabihan ko siya na alam mo kailangang bawasan nang konti kasi hindi ka naman boldstar." "Opinyon ko lang naman yon, di ba? Pero hindi rin siya nakikinig minsan, pinapaalalahanan ko lang." "Kung susunod siya, okey. Kung hindi naman, okey pa rin sa akin. In the first place, Im doing this for her," sabay tingin kay Antoinette. Hindi ba nauuwi sa away ang mga ganitong argumento? "Hindi naman. Kung talagang sa tingin ko ay pangit, ini-insist ko talaga. Minsan, umaarte ako dahil gusto kong mapagbigyan lang yung gusto ko." "Kadalasan, hindi ako ang nananalo. Si Antoinette naman talaga yung nasusunod sa gusto niya. May mga time rin na ako ang panalo," at nagkatawanan na lang kaming lahat. Alam na ng lahat na ang loveteam nina KIM DELOS SANTOS at DINO GUEVARRA ang ilo-launch ng Viva. Kaya hiningan din namin ng reaksyon si Dingdong sa bagay na ito? "Wala akong reaction nung malaman ko. Okey lang. Pero nakakatakot din kasi ang magkaroon ng launching movie. Ganito rin more or less ang opinyon ni Antoinette." "But as their friends at kasamahan namin sa Viva Teen Barkada, siguro ang magagawa namin is that well help na lang. Kung anumang tulong ang magagawa ko, Ill definitely, extend it to them. Hindi naman sila (Kim and Dino) puwedeng pabayaan." "Anytime na kailangan nila ang tulong namin, were just here. Wala naman ibang magkakatulungan kungdi kami-kami rin naman, di ba?" "Actually, natutuwa ako kina Kim at Dino. Lalo na kay Kim who had been very loyal to Viva. At magaling din naman kasi siyang artista. Alam kong hindi naman ibibigay ng Viva yung project kung alam ng kompanyang hindi nila kaya. "Im happy for both of them. No, walang insecurity. Natutuwa pa kami. They deserve it," huling turan pa ng binata.� * * * |