Inalis muna sa Anna Karenina
061799 written by Lito Ma�ago [Teen Movie Magazine]
* * *
Inalis muna siya ng VIVA sa ANNA KARENINA: "Hindi naman ako totally mawawala sa show. Nagdesisyon lang ang VIVA na i-pull out ako para makapag-concentrate ako sa launching movie naman ni Dino." Kim delos Santos Puspusan na nga ang shooting ni KIM DELOS SANTOS ng Ikaw Lamang (launching movie ng loveteam nilang dalawa ni DINO GUEVARRA) at sa huling pakikipag-usap namin sa batang aktres sa set ng Anna Karenina ay nabanggit niyang halos nangangalahati na sila ng kanilang trabaho. "Enjoy kami," wika niya. "Ang sarap gawin. Ang sarap katrabaho ng mga kasama namin. Si Ms. D! ang sarap kasama. Kapag ka-eksena mo siya, tuturuan ka niyang talaga. Shell make you feel comfortable. "Nagbibigay din siya ng mga technique lalo na kapag drama ang kukunan. Hindi niya kami pinababayaan. Talagang all-out ang support niya sa movie namin," pagmamalaki ni Kim kay DINA BONNEVIE na gumaganap bilang stepmom niya sa naturang pelikula. Hindi ba siya nakaramdam ng takot nung malaman niyang makakasama niya sa kanyang launching movie ang beteranang aktres at mahusay na TV host? "Nung una, naisip ko rin yon. Kasi beterana, magaling at kilala bilang mataray. But shes not in real life. Impresyon lang yon pero napaka-down-to-earth niya. "At saka, napaka-seryoso niya pagdating sa set. If its work, its work talaga. Napaka-professional niya. "Ang sarap ng feeling na tinanggap niya yung project. Mabait din yung aming director at lahat ng mannerisms ko, talagang pinakikialaman niya. Natanggal talaga yung mannerisms ko," kuwento pa niya sa amin. Very positive ang feedback na nakuha namin kin ANTOINETTE TAUS at SUNSHINE DIZON sa pagbibigay ng break kay Kim ng Viva Films. Happy ang dalawang aktres sa career ni Kim. "Natutuwa ako kina Sunshine at Antoinette dahil very supportive sila. Ipinagdarasal ko rin na sana pagkatapos namin ni Dino, yung loveteam naman nila ang bigyan ng break. Tulad ng sabi ko, pana-panahon lang yan. Alam kong darating din yung time nila. "Sinasabi ko naman na pantay-pantay kami sa Viva. Walang lamangan. Walang inggitan dito. Nagkataon lang talaga na yung loveteam namin ni Dino yung naunang nabigyan ng magandang pagkakataon. "Im just crossing my fingers na sana with the help of the Lord, hindi namin sila mabigo sa pagkakataong ibinigay ni Viva sa amin. I just hop and Im very positive about it," katuwiran niya. Kahit all-out ang suporta ng Viva sa kanilang loveteam Kim doesnt want to expect too much. Simple lang ang dahilan ng aktres. "I really dont want to expect too much kasi masakit, di ba? Ang attitude ko, come what may na lang. "Bahala na si Lord na tulungan kami at bahala na rin yung mga taong humusga, though, Im confident na hindi naman kami pababayaan ng mga taong nagmamahal sa amin. "At ang alam namin, were doing our best," paliwanag ni Kim. Inalam namin kay Kim kung paano tatakbo ang istorya ng pelikula na idinirihe ni MAC ALEJANDRE. "Actually, parang base sa aking life story. Pero may mga iniba-iba. Hindi lahat, drama. Yung iba, more on the kilig side. Sa movie na ito, marami kayong makikitang values. "Like what happens kung naghihirap ang isang tao. Makikita rito kung ano yung pagdadaanan mo, mga tensyon. At kung ano yung mga bagay na nakapagpapasaya sa tao. Marami kayong makikita rito," aniya. Dahil sa tambak ang trabaho ni Kim, minabuti ng Viva na i-pull out muna si Kim sa TV soap opera na Anna Karenina para makapag-concentrate siya nang mabuti sa shooting ng kanyang launching movie at sa iba pa niyang showbiz commitments. "For a while lang naman yon. Hindi naman ako totally mawawala sa show. Ngayon lang dahil tambak ang trabaho ko but definitely Ill be back. "Siyempre, tiyak na hahanapin din ako ng mga suking manonood ng show namin every Sunday. It wont take long. Babalik din ako. "Sayang nga kaya lang wala akong magagawa. Its their decision at sumusunod lang ako. Of course, kung ako ang masusunod I wont leave the show. Kaya lang talagang hindi ko na kaya ang load ng schedules ko. Almost everyday, trabaho na lang ako. "But with the rate things are going, masaya ako dahil marami akong projects. Marami akong trabaho. Mas masarap yung parati kang busy kaysa naman nakagarahe lang ako. And I enjoy every minute of it," mahabang eksplanasyon pa ng Vivas next most important star. Nabanggit ni Kim na hawig ang pelikula sa kanyang buhay. Ano yung mga eksenang nakunan na talagang may hawig sa mga pangyayari sa totoo niyang buhay? "I wont go into details na lang kasi more or less, alam na naman ng tao yung istory ng buhay ko. Kumbaga, its already an open book. Yung hiwalay ang parents ko, alam na nila yon. I started in showbiz at a very young age. Nagsikap ako bago ko naman narating ito. "Wala na akong inililihim. Kasi mahirap ilihim yan kasi artista ako. Napag-uusapan. But I dont have regrets kasi nakatulong din sa akin ng malaki para maging isang strong woman ako. Imagiine, at a very young age, nagtatrabaho na ako na dapat sanay ini-enjoy ko yung kabataan ko. Pero sabi ko nga, narating ko ito dahil pinagsikapan at pinaghirapan ko. "Kayat kung anuman yung blessings na dumarating sa akin ngayon, binibigyan ko ng importansya at pagpapahalaga. And I hope I can live up to their expectations," huling pananalita pa ng aktres bago kami tuluyang nagpaalam sa kanya * * * |